πΆοΈ Mula sa SiKaya • San Pablo City, Laguna
βSpicy at Sweet, Sarap na Complete!β
Order now! π₯Ang negosyong nasa likod ng Inferno Churros
Ang SiKaya ay pinagsamang Sikap at Saya. Ipinapakita nito ang aming dedikasyon, pagsisikap, at pagmamahal sa bawat produktong aming ginagawa, habang naniniwalang ang negosyo ay dapat may kasamang saya at layunin.
To become a trusted food company known for delicious products, excellent service, and great experiences that show hard work brings happiness.
To provide delicious, affordable, and high-quality food products that bring happiness to our customers while showing our βpagsisikapβ through every bite.
Pagmamay-ari: Partnership (pakikipagsosyo). Insentibo: Profit-sharing o paghahati sa tubo ng mga kasosyo.
βMatamis sa unang kagatβ¦ maanghang sa huli!β
Ang Inferno Churros ay maanghang na cheese churros na may keso sa loob (filling) at nababalutan ng pinaghalong asukal at sili. Pinagsasama nito ang tamis ng tradisyonal na churros at ang anghang na may kakaibang twist.
Madalas na magulo, madaling tumulo, at abala kainin ang ordinaryong churros dahil hiwalay ang sawsawan, lalo na para sa mga laging nagmamadali.
Para sa mga estudyante (hayskul hanggang kolehiyo), mga magulang na naghahanap ng meryenda o pasalubong, at mga empleyado sa opisina. Abot-kaya at madaling kainin kaya angkop sa lahat ng edad.
Feature: Nasa loob na ng churros ang filling. Benefit: Hindi magulo, madaling kainin kahit saan.
Feature: Asukal at ground cayenne powder ang coating. Benefit: Balanse ng anghang at tamis sa bawat kagat.
Feature: Presyong pang-estudyante. Benefit: Sulit na meryenda para sa lahat.
Ang aming Unique Selling Proposition (USP) at bakit dapat itong bilhin
Hindi na kailangang isawsaw: nasa loob na ng churros ang keso. Mas madali, mas malinis, at mas masarap sa bawat kagat, perpekto sa abalang pamumuhay.
Hindi pa nakikita sa lokal na pamilihan ang churros na may keso sa loob at maanghang na balot, kaya kakaiba ito sa karaniwang chocolate o cinnamon churros. Mas masarap pa, abot-kaya pa ang β±39 para sa bulsa ng estudyante.
Hindi karaniwang nakikita ang churros sa lokal na pamilihan, kaya agaw-pansin na agad ito. Mas pinatingkad pa namin ito: may malinamnam na cheese filling sa loob na bumabalanse sa tamis ng masa, at may spicy powder na hinalo sa asukal na pambalot kaya may anghang sa bawat kagat. Hindi ito simpleng matamis na churros; ito ay matamis, cheesy, at maanghang sa iisang meryenda.
Maingat na pinipili ang bawat sangkap, karamihan ay mula sa pampublikong pamilihan ng San Pablo.
Kagamitan: piping bag at piping tip (star nozzle), syringe pang-filling, measuring cups, salaan (strainer), kawali, siyansi/spatula, mangkok, at sipit.
Pinagkukunan: Pampublikong Pamilihan (harina, itlog, asukal, mantika, mantikilya, vanilla, asin), Grocery (cheese spread), Bake Shop (piping bag at tip), Botika (syringe).
Ang proseso ng produksyon, hakbang-hakbang
Gamit namin ang cost-plus pricing, idinaragdag ang tubo (mark-up) sa gastos sa bawat yunit.
5 piraso kada pakete
| Gastos kada Yunit | Presyong Benta | Mark-up |
|---|---|---|
| β±19.53 | β±39 | 99.69% |
Puhunan: β±700 • Gastos sa Sangkap: β±610 • Natira: β±90
SWOT Analysis: mga Lakas, Kahinaan, Oportunidad, at Banta
Maikling tala (bionote) ng mga miyembro ng SiKaya
Si Faith Andrea Aldeguer ay isang mag-aaral ng San Pablo Colleges sa ilalim ng strand na Accountancy, Business, and Management (ABM). Isa siyang masipag at responsableng mag-aaral na patuloy na nagpapaunlad ng kaniyang kaalaman at kakayahan sa larangan ng negosyo at pamamahala. Noong Grade 11, nagsilbi siya bilang Chief Executive Officer (CEO) ng kanilang merchandising product, kung saan nahasa ang kaniyang kakayahan sa pamumuno at pagnenegosyo. May karanasan din siya sa pagtitinda noong Grade 10 at sa pagluluto mula Grade 8 hanggang Grade 10. Naging honor student siya mula elementarya hanggang Senior High School, na nagpapakita ng kaniyang dedikasyon sa pag-aaral. Naniniwala siyang ang kaniyang mga karanasan ay magsisilbing gabay upang maabot ang kaniyang mga mithiin sa larangan ng negosyo at propesyonal na pag-unlad.
Si Lycka Pauleen L. Bagsic ay isang masikap at malikhaing mag-aaral ng San Pablo Colleges sa strand na Accountancy, Business, and Management (ABM). Isa siyang honor student mula elementarya hanggang senior high school. Bukod sa kahusayan sa akademiko, mahilig siya sa sining at pag-eedit, na nagpapakita ng kaniyang malawak na imahinasyon. Noong Grade 11, nagsilbi siyang Chief Executive Officer (CEO) sa kanilang produkto para sa asignaturang Organization and Management. Sa kasalukuyan, ginagampanan niya ang tungkulin bilang Marketing Manager sa kanilang Entrepreneurship subject, kung saan patuloy niyang pinauunlad ang kaniyang kakayahan sa marketing. May karanasan din siya sa pagluluto at food plating noong Grade 8 hanggang Grade 10. Sa bawat karanasan, patuloy niyang hinuhubog ang sarili upang maging handa sa mga oportunidad sa hinaharap.
Si Ashley Shine Basbas ay isang masipag at malikhaing mag-aaral sa San Pablo Colleges na may karanasan sa larangan ng entrepreneurship at negosyo. Naging pangulo siya ng Entrepreneurship Organization noong junior high school sa San Vicente Integrated High School, kung saan nahasa ang kaniyang kakayahan sa pamumuno. Nagkaroon din siya ng sariling flower business at naging CEO ng isang merchandising business noong Grade 11, na nagbigay sa kaniya ng karanasan sa pagbebenta ng mga produkto at pamamahala ng negosyo. Bukod dito, kumuha siya ng mga cooking class noong Grade 8, Grade 9, at Grade 10 upang mapaunlad ang kaniyang kasanayan sa pagluluto. Ang mga karanasang ito ay nakatulong sa paghubog ng kaniyang kakayahan sa pamumuno, pagnenegosyo, at pamamahala.
Si John Santino Diangkinay ay isang mag-aaral sa San Pablo Colleges na may interes sa larangan ng pagnenegosyo at pamamahala ng negosyo. Mayroon siyang karanasan sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo noong Grade 11 na nakatulong upang malinang ang kaniyang kaalaman sa mga pangunahing gawain sa negosyo at sa pakikitungo sa mga mamimili. Sa pamamagitan ng mga karanasang ito, patuloy niyang pinauunlad ang kaniyang kakayahan sa komunikasyon at paglutas ng problema. Bilang isang masipag na mag-aaral na nagnanais maging matagumpay na negosyante, determinado siyang matuto, magkaroon ng karagdagang karanasan, at gamitin ang kaniyang mga kakayahan upang makamit ang kaniyang mga layunin sa hinaharap.
Si Jamica Mae M. Dimayuga ay kasalukuyang nag-aaral sa San Pablo Colleges sa ilalim ng Accountancy, Business, and Management (ABM) strand. Napanatili niya ang pagiging honor student mula Grade 7 hanggang Senior High School. Mayroon din siyang karanasan sa pagnenegosyo, kabilang ang pagbebenta ng mga produkto sa pamamagitan ng social media at pakikilahok sa pagbebenta ng mga produktong ginawa ng kanilang grupo noong Grade 11 at Grade 12. Dito, nagkaroon siya ng kaalaman sa pag-aalok ng produkto, pakikitungo sa mga mamimili, at pagtutulungan sa pagbuo ng negosyo. Bukod dito, kumuha rin siya ng mga klase sa pagluluto noong Grade 9 at Grade 10 at lumahok sa paligsahan sa pagluluto noong Grade 10, na nakatulong sa paghubog ng kaniyang pagkamalikhain at kasanayan.
Si Ericka Chloie Gapaz ay mag-aaral sa San Pablo Colleges, baitang 12, sa strand na Accountancy, Business, and Management (ABM). Kilala siya sa pagiging masipag at mahusay sa pag-aaral. Naging βAcademic Achieverβ siya noong Baitang 7, 8, at 10, at naging βHonor Studentβ rin sa Baitang 10. Bukod sa kaniyang mga tagumpay sa akademya, nahasa rin niya ang kaniyang pagkamalikhain at tiyaga bilang mananahi o βdressmakerβ noong Baitang 9 at 10. Noong Baitang 11, naging bahagi siya ng isang gawaing pangmerchandising bilang Financial Staff, kung saan nagkaroon siya ng karanasan sa paghawak at pagsubaybay sa pananalapi ng kanilang grupo. Ipinagpapatuloy niya ang tungkuling ito ngayong Baitang 12. Hangad niyang paunlarin ang kaniyang kaalaman sa negosyo, pananalapi, at paggawa ng damit.
Si Margarette P. Jaron ay isang mag-aaral sa San Pablo Colleges na may interes sa larangan ng pagnenegosyo at pamamahala ng negosyo. Siya ay isang academic achiever mula elementarya hanggang senior high school, na nagpapakita ng kaniyang kasipagan, dedikasyon, at pagsusumikap sa pag-aaral. Noong Grade 8, nagkaroon siya ng karanasan sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga resin keychain, na nakatulong upang malinang ang kaniyang kaalaman sa mga pangunahing gawain sa negosyo at pakikitungo sa mga mamimili. Natutuhan niya ang kahalagahan ng pagkamalikhain, komunikasyon, at responsibilidad sa pagpapatakbo ng negosyo. Bilang isang masipag at determinadong mag-aaral, patuloy niyang pinauunlad ang kaniyang mga kakayahan upang maging matagumpay sa larangan ng pagnenegosyo sa hinaharap.
Si Justine Jharred Javier ay isang mag-aaral sa Baitang 12 na kumukuha ng strand na Accountancy, Business, and Management (ABM). Isa siya sa mga mag-aaral na patuloy na nagsisikap upang makamit ang kaniyang mga pangarap. Simula pa noong elementarya, naging consistent honor student siya, na nagpapakita ng kaniyang dedikasyon, kasipagan, at pagpapahalaga sa edukasyon. Kilala siya bilang masayahin, palakaibigan, at matulunging indibidwal na laging handang magbahagi ng positibong enerhiya sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Taglay rin niya ang pagiging malikhain, matiyaga, at matatag sa pagharap sa mga hamon. Mahilig siyang makisalamuha at makipagtulungan sa mga gawaing makatutulong sa kapwa. Sa pamamagitan ng kaniyang mga karanasan at patuloy na pagsisikap, hangad niyang malinang ang kaniyang kakayahan at magkaroon ng positibong ambag sa lipunan.
Si Aira Mira H. Martinez ay kasalukuyang nasa ika-12 baitang at nag-aaral sa San Pablo Colleges sa ilalim ng strand na Accountancy, Business, and Management (ABM). Isa siyang consistent honor student mula elementarya at junior high school hanggang Grade 11. Napaunlad niya ang kaniyang praktikal na kaalaman sa negosyo sa pamamagitan ng karanasan sa merchandising noong Grade 11, na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon upang magpatakbo ng sariling negosyo sa graham float at printing service. Sa pamamagitan ng pinagsamang sipag sa pag-aaral at diskarte sa negosyo, patuloy niyang pinapaunlad ang kaniyang kakayahan at kaalaman patungkol sa larangan ng pagnenegosyo upang maging handa sa mga oportunidad sa hinaharap.
Si Axel R. Villamayor ay isang mag-aaral ng San Pablo Colleges na kasalukuyang nasa ika-labindalawang baitang. Siya ay may matinding pagmamahal sa pagluluto kaya simula elementarya pa lamang ay sumasali na siya sa mga paligsahan tulad ng cook-offs. Ngayong ika-labindalawang baitang, nagkamit siya ng parangal bilang Second Runner-Up sa Inter-Strand Cook Off para sa Buwan ng Nutrisyon sa San Pablo Colleges. Noong ika-labing-isang baitang naman, nagkamit siya ng ilang parangal sa Business Pitching, kabilang ang pagiging kampeon sa LPU Laguna. Lumaban din siya sa NU Lipa para sa Business Pitching, na nagpapakita ng kaniyang dedikasyon sa pagharap sa mga hamon. Si Axel Villamayor ay isang mag-aaral na handang sumubok ng mga bagong karanasan upang patuloy na hubugin ang kaniyang sarili.
Tikman ang anghang at tamis ng Inferno Churros π₯
San Pablo Colleges, Hermanos Belen Street, San Pablo City, Laguna
Bumisita sa aming puwesto o tumawag/mag-text para sa pre-order at delivery.
Ano pang hinihintay mo? Umorder na ng Inferno Churros ngayon!
Bumalik sa Itaas β