πŸ”₯🌢️πŸ”₯🌢️

🌢️ Mula sa SiKaya • San Pablo City, Laguna

INFERNO
CHURROS

β€œSpicy at Sweet, Sarap na Complete!”

Order now! πŸ”₯
100%SPICYπŸ”₯
May keso
sa loob!
Inferno Churros Ang Inferno Churros: spicy at sweet!
πŸ”₯ SPICYπŸ§€ CHEESY🍬 SWEET🌢️ SARAP NA COMPLETEπŸ”₯ SPICYπŸ§€ CHEESY🍬 SWEET🌢️ SARAP NA COMPLETEπŸ”₯ SPICYπŸ§€ CHEESY🍬 SWEET🌢️ SARAP NA COMPLETEπŸ”₯ SPICYπŸ§€ CHEESY🍬 SWEET🌢️ SARAP NA COMPLETE

Tungkol sa Amin

Ang negosyong nasa likod ng Inferno Churros

Ang SiKaya

Ang SiKaya ay pinagsamang Sikap at Saya. Ipinapakita nito ang aming dedikasyon, pagsisikap, at pagmamahal sa bawat produktong aming ginagawa, habang naniniwalang ang negosyo ay dapat may kasamang saya at layunin.

Bisyon

To become a trusted food company known for delicious products, excellent service, and great experiences that show hard work brings happiness.

Misyon

To provide delicious, affordable, and high-quality food products that bring happiness to our customers while showing our β€œpagsisikap” through every bite.

Uri ng Negosyo

Pagmamay-ari: Partnership (pakikipagsosyo). Insentibo: Profit-sharing o paghahati sa tubo ng mga kasosyo.

Ang Aming Produkto

β€œMatamis sa unang kagat… maanghang sa huli!”

Anghang Meter6/10

🍒 Maikling Deskripsyon

Ang Inferno Churros ay maanghang na cheese churros na may keso sa loob (filling) at nababalutan ng pinaghalong asukal at sili. Pinagsasama nito ang tamis ng tradisyonal na churros at ang anghang na may kakaibang twist.

😣 Problema na Tinutugunan

Madalas na magulo, madaling tumulo, at abala kainin ang ordinaryong churros dahil hiwalay ang sawsawan, lalo na para sa mga laging nagmamadali.

πŸ‘₯ Para Kanino?

Para sa mga estudyante (hayskul hanggang kolehiyo), mga magulang na naghahanap ng meryenda o pasalubong, at mga empleyado sa opisina. Abot-kaya at madaling kainin kaya angkop sa lahat ng edad.

Features at Benefits

πŸ§€ May Keso sa Loob

Feature: Nasa loob na ng churros ang filling. Benefit: Hindi magulo, madaling kainin kahit saan.

🌢️ Spicy-Sweet na Balot

Feature: Asukal at ground cayenne powder ang coating. Benefit: Balanse ng anghang at tamis sa bawat kagat.

πŸ’° Abot-kayang Presyo

Feature: Presyong pang-estudyante. Benefit: Sulit na meryenda para sa lahat.

Bakit Naiiba ang Inferno Churros?

Ang aming Unique Selling Proposition (USP) at bakit dapat itong bilhin

Ang β€œDip” ay Nasa Loob Na!

Hindi na kailangang isawsaw: nasa loob na ng churros ang keso. Mas madali, mas malinis, at mas masarap sa bawat kagat, perpekto sa abalang pamumuhay.

Bago at Abot-kaya

Hindi pa nakikita sa lokal na pamilihan ang churros na may keso sa loob at maanghang na balot, kaya kakaiba ito sa karaniwang chocolate o cinnamon churros. Mas masarap pa, abot-kaya pa ang β‚±39 para sa bulsa ng estudyante.

Churros, Keso, at Anghang

Hindi karaniwang nakikita ang churros sa lokal na pamilihan, kaya agaw-pansin na agad ito. Mas pinatingkad pa namin ito: may malinamnam na cheese filling sa loob na bumabalanse sa tamis ng masa, at may spicy powder na hinalo sa asukal na pambalot kaya may anghang sa bawat kagat. Hindi ito simpleng matamis na churros; ito ay matamis, cheesy, at maanghang sa iisang meryenda.

Mga Sangkap at Materyales

Maingat na pinipili ang bawat sangkap, karamihan ay mula sa pampublikong pamilihan ng San Pablo.

🌾 HarinaπŸ₯š Itlog🧈 Mantikilya🍬 AsukalπŸ§€ Cheese Spread🌢️ Ground Cayenne PowderπŸ›’οΈ Mantika🌼 Vanilla ExtractπŸ§‚ AsinπŸ’§ TubigπŸ“¦ Packaging

Kagamitan: piping bag at piping tip (star nozzle), syringe pang-filling, measuring cups, salaan (strainer), kawali, siyansi/spatula, mangkok, at sipit.

Pinagkukunan: Pampublikong Pamilihan (harina, itlog, asukal, mantika, mantikilya, vanilla, asin), Grocery (cheese spread), Bake Shop (piping bag at tip), Botika (syringe).

Pamamaraan sa Paggawa ng Spicy Cheese Churros

Ang proseso ng produksyon, hakbang-hakbang

  1. Ihanda muna ang lahat ng sangkap at kagamitang kailangan sa paggawa ng Spicy Cheese Churros.
  2. Painitin ang kawali sa katamtamang apoy, ilagay ang mantikilya, at ibuhos ang tamang dami ng tubig. Pakuluan ang timpla.
  3. Ilagay ang mga tuyong sangkap, kasama ang harina at asukal, sa kumukulong tubig. Patayin ang apoy pagkatapos ilagay ang mga tuyong sangkap, saka haluing mabuti hanggang maging masa.
  4. Idagdag ang vanilla extract at haluing mabuti. Masahin ang masa hanggang maghalo ang lahat ng sangkap at makuha ang nais na lapot.
  5. Palamigin muna nang bahagya ang masa bago ilagay ang itlog. Haluin hanggang pantay ang pagkakahalo, saka ilipat sa piping bag na may star-shaped nozzle. I-pipe ang masa sa nais na hugis ng churros.
  6. Magpainit ng mantika sa kawali. Maingat na ilagay ang mga hinubog na churros sa mainit na mantika at iprito hanggang maging golden brown.
  7. Kapag bahagyang lumamig na ang churros, lagyan ng keso ang loob nito gamit ang syringe bilang panlagay ng filling.
  8. Sa hiwalay na mangkok, paghaluin ang brown sugar at ground cayenne powder para sa maanghang na balot. Igulong ang may lamang churros sa timpla hanggang mabalutan nang pantay.
  9. Panghuli, ilagay ang natapos na Spicy Cheese Churros sa angkop na packaging at ihain.

Presyo

Gamit namin ang cost-plus pricing, idinaragdag ang tubo (mark-up) sa gastos sa bawat yunit.

Inferno Churros

β‚±39

5 piraso kada pakete

Detalye ng Presyo

Gastos kada YunitPresyong BentaMark-up
β‚±19.53β‚±3999.69%

Puhunan: β‚±700 • Gastos sa Sangkap: β‚±610 • Natira: β‚±90

Pagsusuri ng Negosyo

SWOT Analysis: mga Lakas, Kahinaan, Oportunidad, at Banta

πŸ’ͺ Lakas (Strengths)

  • Iba't ibang flavor
  • Malikhaing produkto
  • Abot-kaya
  • Sumusuporta sa agrikultura
  • Mahusay na pagtutulungan ng grupo

⚠️ Kahinaan (Weaknesses)

  • Maliit na panimulang kapital
  • Hindi pa kilalang brand
  • Maliit na kapasidad sa produksyon
  • Limitadong badyet sa marketing
  • Maikling shelf life

πŸš€ Oportunidad (Opportunities)

  • Mga event sa paaralan
  • Bagong produkto at flavor
  • Online marketing
  • Pakikipag-partner
  • Pagpapalawak ng negosyo

β›ˆοΈ Banta (Threats)

  • Mga kakumpitensya
  • Pagtaas ng presyo ng sangkap
  • Hindi inaasahang panahon
  • Kakulangan sa supply
  • Pagbabago ng gusto ng mamimili

Talasalitaan ng Negosyo

Puhunan (Kapital)
Perang inilalaan para simulan ang negosyo.
Tubo (Profit)
Kita matapos ibawas ang lahat ng gastos.
Target Market
Pangkat ng mamimiling inaasahang bibili ng produkto.
Kakumpitensya
Mga negosyong nagbebenta ng kahalintulad na produkto.
Partnership
Negosyong pag-aari ng dalawa o higit pang magkakasosyo.
Mark-up
Halagang idinadagdag sa gastos upang makuha ang presyong benta.

Ang Aming Koponan

Maikling tala (bionote) ng mga miyembro ng SiKaya

Faith Andrea Aldeguer

Faith Andrea Aldeguer

Marketing Staff

Si Faith Andrea Aldeguer ay isang mag-aaral ng San Pablo Colleges sa ilalim ng strand na Accountancy, Business, and Management (ABM). Isa siyang masipag at responsableng mag-aaral na patuloy na nagpapaunlad ng kaniyang kaalaman at kakayahan sa larangan ng negosyo at pamamahala. Noong Grade 11, nagsilbi siya bilang Chief Executive Officer (CEO) ng kanilang merchandising product, kung saan nahasa ang kaniyang kakayahan sa pamumuno at pagnenegosyo. May karanasan din siya sa pagtitinda noong Grade 10 at sa pagluluto mula Grade 8 hanggang Grade 10. Naging honor student siya mula elementarya hanggang Senior High School, na nagpapakita ng kaniyang dedikasyon sa pag-aaral. Naniniwala siyang ang kaniyang mga karanasan ay magsisilbing gabay upang maabot ang kaniyang mga mithiin sa larangan ng negosyo at propesyonal na pag-unlad.

Lycka Pauleen Bagsic

Lycka Pauleen Bagsic

Marketing Manager

Si Lycka Pauleen L. Bagsic ay isang masikap at malikhaing mag-aaral ng San Pablo Colleges sa strand na Accountancy, Business, and Management (ABM). Isa siyang honor student mula elementarya hanggang senior high school. Bukod sa kahusayan sa akademiko, mahilig siya sa sining at pag-eedit, na nagpapakita ng kaniyang malawak na imahinasyon. Noong Grade 11, nagsilbi siyang Chief Executive Officer (CEO) sa kanilang produkto para sa asignaturang Organization and Management. Sa kasalukuyan, ginagampanan niya ang tungkulin bilang Marketing Manager sa kanilang Entrepreneurship subject, kung saan patuloy niyang pinauunlad ang kaniyang kakayahan sa marketing. May karanasan din siya sa pagluluto at food plating noong Grade 8 hanggang Grade 10. Sa bawat karanasan, patuloy niyang hinuhubog ang sarili upang maging handa sa mga oportunidad sa hinaharap.

Ashley Shine Basbas

Ashley Shine Basbas

Operating Staff

Si Ashley Shine Basbas ay isang masipag at malikhaing mag-aaral sa San Pablo Colleges na may karanasan sa larangan ng entrepreneurship at negosyo. Naging pangulo siya ng Entrepreneurship Organization noong junior high school sa San Vicente Integrated High School, kung saan nahasa ang kaniyang kakayahan sa pamumuno. Nagkaroon din siya ng sariling flower business at naging CEO ng isang merchandising business noong Grade 11, na nagbigay sa kaniya ng karanasan sa pagbebenta ng mga produkto at pamamahala ng negosyo. Bukod dito, kumuha siya ng mga cooking class noong Grade 8, Grade 9, at Grade 10 upang mapaunlad ang kaniyang kasanayan sa pagluluto. Ang mga karanasang ito ay nakatulong sa paghubog ng kaniyang kakayahan sa pamumuno, pagnenegosyo, at pamamahala.

John Santino Diangkinay

John Santino Diangkinay

Marketing Staff

Si John Santino Diangkinay ay isang mag-aaral sa San Pablo Colleges na may interes sa larangan ng pagnenegosyo at pamamahala ng negosyo. Mayroon siyang karanasan sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo noong Grade 11 na nakatulong upang malinang ang kaniyang kaalaman sa mga pangunahing gawain sa negosyo at sa pakikitungo sa mga mamimili. Sa pamamagitan ng mga karanasang ito, patuloy niyang pinauunlad ang kaniyang kakayahan sa komunikasyon at paglutas ng problema. Bilang isang masipag na mag-aaral na nagnanais maging matagumpay na negosyante, determinado siyang matuto, magkaroon ng karagdagang karanasan, at gamitin ang kaniyang mga kakayahan upang makamit ang kaniyang mga layunin sa hinaharap.

Jamica Mae Dimayuga

Jamica Mae Dimayuga

Operating Staff

Si Jamica Mae M. Dimayuga ay kasalukuyang nag-aaral sa San Pablo Colleges sa ilalim ng Accountancy, Business, and Management (ABM) strand. Napanatili niya ang pagiging honor student mula Grade 7 hanggang Senior High School. Mayroon din siyang karanasan sa pagnenegosyo, kabilang ang pagbebenta ng mga produkto sa pamamagitan ng social media at pakikilahok sa pagbebenta ng mga produktong ginawa ng kanilang grupo noong Grade 11 at Grade 12. Dito, nagkaroon siya ng kaalaman sa pag-aalok ng produkto, pakikitungo sa mga mamimili, at pagtutulungan sa pagbuo ng negosyo. Bukod dito, kumuha rin siya ng mga klase sa pagluluto noong Grade 9 at Grade 10 at lumahok sa paligsahan sa pagluluto noong Grade 10, na nakatulong sa paghubog ng kaniyang pagkamalikhain at kasanayan.

Ericka Chloie Gapaz

Ericka Chloie Gapaz

Assistant Finance

Si Ericka Chloie Gapaz ay mag-aaral sa San Pablo Colleges, baitang 12, sa strand na Accountancy, Business, and Management (ABM). Kilala siya sa pagiging masipag at mahusay sa pag-aaral. Naging β€œAcademic Achiever” siya noong Baitang 7, 8, at 10, at naging β€œHonor Student” rin sa Baitang 10. Bukod sa kaniyang mga tagumpay sa akademya, nahasa rin niya ang kaniyang pagkamalikhain at tiyaga bilang mananahi o β€œdressmaker” noong Baitang 9 at 10. Noong Baitang 11, naging bahagi siya ng isang gawaing pangmerchandising bilang Financial Staff, kung saan nagkaroon siya ng karanasan sa paghawak at pagsubaybay sa pananalapi ng kanilang grupo. Ipinagpapatuloy niya ang tungkuling ito ngayong Baitang 12. Hangad niyang paunlarin ang kaniyang kaalaman sa negosyo, pananalapi, at paggawa ng damit.

Margarette Jaron

Margarette Jaron

Operating Staff

Si Margarette P. Jaron ay isang mag-aaral sa San Pablo Colleges na may interes sa larangan ng pagnenegosyo at pamamahala ng negosyo. Siya ay isang academic achiever mula elementarya hanggang senior high school, na nagpapakita ng kaniyang kasipagan, dedikasyon, at pagsusumikap sa pag-aaral. Noong Grade 8, nagkaroon siya ng karanasan sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga resin keychain, na nakatulong upang malinang ang kaniyang kaalaman sa mga pangunahing gawain sa negosyo at pakikitungo sa mga mamimili. Natutuhan niya ang kahalagahan ng pagkamalikhain, komunikasyon, at responsibilidad sa pagpapatakbo ng negosyo. Bilang isang masipag at determinadong mag-aaral, patuloy niyang pinauunlad ang kaniyang mga kakayahan upang maging matagumpay sa larangan ng pagnenegosyo sa hinaharap.

Justine Jharred Javier

Justine Jharred Javier

Chief Executive Officer

Si Justine Jharred Javier ay isang mag-aaral sa Baitang 12 na kumukuha ng strand na Accountancy, Business, and Management (ABM). Isa siya sa mga mag-aaral na patuloy na nagsisikap upang makamit ang kaniyang mga pangarap. Simula pa noong elementarya, naging consistent honor student siya, na nagpapakita ng kaniyang dedikasyon, kasipagan, at pagpapahalaga sa edukasyon. Kilala siya bilang masayahin, palakaibigan, at matulunging indibidwal na laging handang magbahagi ng positibong enerhiya sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Taglay rin niya ang pagiging malikhain, matiyaga, at matatag sa pagharap sa mga hamon. Mahilig siyang makisalamuha at makipagtulungan sa mga gawaing makatutulong sa kapwa. Sa pamamagitan ng kaniyang mga karanasan at patuloy na pagsisikap, hangad niyang malinang ang kaniyang kakayahan at magkaroon ng positibong ambag sa lipunan.

Aira Mira Martinez

Aira Mira Martinez

Finance Manager

Si Aira Mira H. Martinez ay kasalukuyang nasa ika-12 baitang at nag-aaral sa San Pablo Colleges sa ilalim ng strand na Accountancy, Business, and Management (ABM). Isa siyang consistent honor student mula elementarya at junior high school hanggang Grade 11. Napaunlad niya ang kaniyang praktikal na kaalaman sa negosyo sa pamamagitan ng karanasan sa merchandising noong Grade 11, na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon upang magpatakbo ng sariling negosyo sa graham float at printing service. Sa pamamagitan ng pinagsamang sipag sa pag-aaral at diskarte sa negosyo, patuloy niyang pinapaunlad ang kaniyang kakayahan at kaalaman patungkol sa larangan ng pagnenegosyo upang maging handa sa mga oportunidad sa hinaharap.

Axel Villamayor

Axel Villamayor

Operating Manager

Si Axel R. Villamayor ay isang mag-aaral ng San Pablo Colleges na kasalukuyang nasa ika-labindalawang baitang. Siya ay may matinding pagmamahal sa pagluluto kaya simula elementarya pa lamang ay sumasali na siya sa mga paligsahan tulad ng cook-offs. Ngayong ika-labindalawang baitang, nagkamit siya ng parangal bilang Second Runner-Up sa Inter-Strand Cook Off para sa Buwan ng Nutrisyon sa San Pablo Colleges. Noong ika-labing-isang baitang naman, nagkamit siya ng ilang parangal sa Business Pitching, kabilang ang pagiging kampeon sa LPU Laguna. Lumaban din siya sa NU Lipa para sa Business Pitching, na nagpapakita ng kaniyang dedikasyon sa pagharap sa mga hamon. Si Axel Villamayor ay isang mag-aaral na handang sumubok ng mga bagong karanasan upang patuloy na hubugin ang kaniyang sarili.

Mag-order Na!

Tikman ang anghang at tamis ng Inferno Churros πŸ”₯

πŸ“ Lokasyon

San Pablo Colleges, Hermanos Belen Street, San Pablo City, Laguna

πŸ“± Tawag / Text

09696333516

πŸ›΅ Paraan ng Pag-order

Bumisita sa aming puwesto o tumawag/mag-text para sa pre-order at delivery.

Ano pang hinihintay mo? Umorder na ng Inferno Churros ngayon!

Bumalik sa Itaas ↑
Deployed with PreviewShip